Eh Ano

Venzon Malubay

Puro sagabal at pagsubok
Diyos ko ba't nagkagan'to
'Di ko matanto ano ang dahilan
Para ako ay tawanan at tapakan n'yo

Natalisod ka na nga ng tadhana
Ingungudngod ka pa ng mundo
Mga pakialamero ako'y tigil-tigilan
Intindihin n'yo na lang ang problema n'yo

Eh ano naman ngayon (naman ngayon)
Kung ako'y nagkamali (kung akoy nagkamali)
Kung ako'y napraning o nadapa
Naligaw nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo
Kanya-kanyang trip lang tayo (oh)

Ako na naman ang hugot nila't bulong-bulungan
Laman ng kuwentuhang walang patutunguhan
'Kala mo ako'y may utang na loob at natulungan
Kung mangialam naku daig pa ang aking magulang

Sila daw 'yong perpektong taong 'pinanganak
Walang mabahong sikretong sa kanila'y malalanghap
Ang lalakas manira ng kapwa at manlibak
Kung magsi-asta ay basura't mahusay lang manindak

Mga walang kahambing sila 'yong magaling magmagaling
'Pag may apoy imbes na patayin mas papalalain
Mga kakilala mong kung mag-isip ay paling
Simpleng maling nagawa mo lalong papasamain

Sino'ng 'di mapapraning mundo'y 'di magugulo
Ang masiraan ka ng ulo 'yon talaga'ng kanilang gusto
Para sa mga pakialamero at umaastang guro
Tigil-tigilan n'yo 'ko hoy Diyos ko po

Eh ano naman ngayon (ngayon)
Kung ako'y nagkamali (nagkamali)
Kung ako'y napraning o nadapa
Naligaw nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo
Kanya-kanyang trip lang tayo

Ugh ako'y lasing na naman
Mamaya-maya'y magwawala na sa daan
Eh ano'ng paki mo hindi ka naman nasaktan
Gusto ko lang maglabas ng amats at magtapang

Gusto ko lang na paminsan-minsan magbaliw-baliwan
Para makatakas sa mundong pangkaraniwan
Lumabas sa saradong pinto
Wala kasi ako ditong makausap nang matino

Imbes na tanungin ka nila ng kamusta
Tutuksuhin ka pa ng mga mapanghusga
Matatapos lang sila siguro 'pag ang paa mo'y nakapantay
At ika'y nakabarong na

Kung matigok man ako ngayon dugo ko'y matuyo
Mapipigilan n'yo ba kapag dumating na ang aking sundo
Para sa mga pakialamero at umaastang guro
Sige yuko tapos pakutos sa puyo

Eh ano naman ngayon (ngayon)
Kung ako'y nagkamali (nagkamali)
Kung ako'y napraning
O nadapa naligaw nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo
Kanya-kanyang trip lang tayo

Talagang nakakapikon
'Pag may nagbubulungang miron habang sa 'yo ay nakalingon
Eh ano kung ako'y nabigo ano'ng paki nila ro'n
Kaya ang sarap manapak ng ilong ng mga taong mahilig na magmarunong

Ang gagaling magsikontra daig pa si lola
Hampasin ko kaya ng timon 'to o pasagasa sa pison
Ipalapa sa leon turukan ng sosa
'Palunok sa anaconda 'tong mga tropang tsismoso't tsismosa

Eh ano kung ako'y puno ng kamalasan
At ang siyang kataas-taasan ay hindi ko kasundo
Nakakapagod man pero laban lang sa ano man ang gusto
Ng kapalaran kong panay bato at pukol sa 'kin ng tukso

Bago pa 'ko tuluyang pumutok at makabasag ngayon ng bungo
Tigil-tigilan n'yo nga ako at tumataas na ang aking dugo
Para sa mga pakialamero at umaastang guro
Heto ang aking gitnang daliri pati ang hintuturo
Peace ha

Eh ano naman ngayon
Kung ako'y nagkamali (nagkamali)
Kung ako'y napraning
O nadapa naligaw nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo
Kanya-kanyang trip lang tayo (oh)

Kanya-kanyang trip lang tayo (oh oh)
Kanya-kanyang trip lang tayo (oh oh)
Kanya-kanyang trip lang tayo (oh oh)
Kanya-kanyang trip lang tayo

Trivia about the song Eh Ano by Abaddon

Who composed the song “Eh Ano” by Abaddon?
The song “Eh Ano” by Abaddon was composed by Venzon Malubay.

Most popular songs of Abaddon

Other artists of Heavy metal music