Eh Ano Naman

Eh ano naman kung malayo ka?
Pag-ibig ko ay para
Lang sayo wag magduda.
Pangako na ikaw lang mamahalin Panghahawakan.
Wala nang ibang hihilingin sa Kalawakan.

Marahil nga hindi tanaw dahil malayo
Ngunit malinaw na ang
Pag tingin hindi lalabo
Oo nga't sa mga oras
Na ito ay libo libong
Milya ang pagitan
Natin ngunit di isusuko

Ang nararamdaman saiyo
Dahil ikaw ang liwanag dito sa buhay ko
Kung sakaling dumilim, mag takip silim isa lamang aasahan mo
Handa akong mapuyat mag damag basta para saiyo

Ikaw ang anghel na
Sumagip sa pagkalunod
Bukod tangi na yumakap
Sa ugaling nasusunog
Ang naglakas loob na Bumuo sa pagka durog
Kaya wala ng bakit bakit kung
Pano ko mahulog

Ikaw ang kape ko sa umaga
Ang aking pahinga
Sa mundong nakakapagod
At Ikaw lang ang nais makasama
Hanggang mag tagumpay
Sa mga laban na mahirap ipanalo

Eh ano naman kung malayo ka?
Pag-ibig ko ay para
Lang sayo wag magduda.
Pangako na ikaw lang mamahalin Panghahawakan.
Wala nang ibang hihilingin
Sa kalawakan.

Oo mahirap talaga ang ating sitwasyon
Ngunit alam kong magbubunga
Din ating desisyon
Na manatili para satin
Sa takdang panahon
ay magsasama tayo
Sa tamang pagkakataon

Pero sa ngayon, manatili lang
At kumapit
Mga hirap at pasakit
Ay ngiti ang papalit
Mga oras at chansa
Na satin ay pinagkait
Magkalayo na mga puso
Ay muling maglalapit

Kaya kung pwede lang loob
Mo'y wag na panghinaan
Pag-ibig ko sayo ay parang
Ating kalawakan
Dahil lalong lumalawak
Di paglaong katagalan
Umalis man sa una'y
Mananatili mong tahanan.

Na pupwedeng balikan
Nakapangalang pag-aari
Numero lang ang distansya
Pag-ibig ang naghahari
Sa puso natin at alam
Nating mamumutawi
Hihintayin ko ang paguwi
Mo kahit na anong mangyari

Eh ano naman kung malayo ka?
Pag-ibig ko ay para lang
Sayo wag magduda.
Pangako na ikaw lang mamahalin Panghahawakan.
Wala nang ibang hihilingin
Sa kalawakan.

Kahit pa malayo, Ohhh
Sa kabilang ibayo, Ohhh
Pangako kong di magbabago na sayo lang ang aking puso kaya,
Eh ano naman kung malayo ka?
Pag-ibig ko ay para lang
Sayo wag magduda.
Pangako na ikaw lang mamahalin
Wala nang ibang hihilingin.

Most popular songs of Ace

Other artists of K-pop