Senaryo

Adrian Garcia, Franz Sacro

Ako ngayo’y nakapikit
Samu’t saring mga bagay ang naiisip
‘Di mapigilan
Ang sarili na maghangad
‘Di sa tinatamad
Ito ang aking paraan upang agad-agad

Na maranasan
Ang iba’t ibang karanasan
Ako’y nalilibang
Sa gan’tong gawi
Ako’y nauuwi
Sa labis na pagngiti

Lagi na lang ganito
Kailan kaya magpapakatotoo
Sa nararamdaman ng aking puso

Sa panaginip
Laging naiinip
Hindi mawari
Laman ng isip

Kada susulyap
Laging may hadlang
Kaya aking idinadaan
Sa pagpapantasya

Hanggang, hanggang, hanggang kailan ba ‘ko
Maglalaan ng oras
Sa kakaisip ng mga
Senaryo, hmm

Ipinagkait ng sansinukob
Mga tanyag ba na maari kong maging sagot
‘Di ‘pag nababagot
Ibabaling na naman sa pagsuot

Ng mapanlinlang
Na imahinasyon
Sa palaisipan
Walang puhon

‘Di maiwasan
Kahit pa na labanan
Makakailan pa bang

Lagi na lang ganito (ganito, ganito)
Sana’y mga gusto’y maging totoo
Sa takdang panahon
Ako’y makakaahon din

Sa panaginip
Laging naiinip
Hindi mawari
Laman ng isip
Kada susulyap
Laging may hadlang
Kaya aking idinadaan
Sa pagpapantasya

Hanggang kailan ba ‘ko
Magpapauto sa sariling mundo

(Hanggang, hanggang)
Kailan ba ‘ko
Magpapauto sa sariling mundo
Woah oh

Kailan ba ‘ko
Magpapauto sa sariling mundo

Trivia about the song Senaryo by Adie

Who composed the song “Senaryo” by Adie?
The song “Senaryo” by Adie was composed by Adrian Garcia, Franz Sacro.

Most popular songs of Adie

Other artists of Pop rock