Sundan Mo Ko

Yeah yeah

Gusto mo ba sumama
Panandaliang kalimutan problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita o pwede ba

Ito na naman tayo
Sumama ka nga pero hanap mo'y pahinga
Nakatitig sa malayo
Nakatayo pero gusto nang humiga (tanong lang)

Bakit ba tuwing ako'y papalapit sa 'yo
Parang di rin naman naandito ang isipan mo
I said hey huwag magpapatalo (whoa)
May bukas naman tayo
Tigilan mo na nga kaya yang pagreklamo

Halika paikutin na nga natin ang roleta
Kahit saan na matapat tara na rekta
Saka mo na habulin mga petsa mga problema maiwan na muna ikandado mo sa selda
Tara makipag-aliwan
Makisali makipagkulitan
Makisama makipagbaliwan makipaghulihan kung meron kang napusuan makipaghabulan
Kasi buhay parang utang araw araw hulugan
Walang karera di mo kailangang makipag-unahan
Kahit planuhin mo mabuti papalpak ka rin naman
Kung susubukan mo lang malalaman ang kahulugan

Kaya sige sumayaw ka sige sumagad
Sige tumalon ka hanggang makalipad
Hanggang maabot mga tala dun sa kalawakan na parang mga dyamante na makislap
Sige sumayaw ka sige sumagad
Sige tumalon ka hanggang makalipad
Hanggang maabot ang tamang di mo na nga maalala kung papano ka uli nakalipad

Gusto mo bang sumama
Panandaliang kalimutan problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita o pwede ba kaya sundan mo lang ako
Di tayo lalayo
Huwag mong isipin ang paligid mo
Dahil sa 'yo na ang mundo
Walang iistorbo sa 'yo
Kaya bahala na kung magulo

Gusto mo ba sumama
Panandaliang kalimutan problema
Ngayon gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita o pwede ba kaya sundan mo lang ako
Di tayo lalayo
Huwag mong isipin ang paligid mo
Dahil sa 'yo na ang mundo
Walang iistorbo sa 'yo
Kaya bahala na kung magulo
Na na na
Na na na

Most popular songs of Al James

Other artists of Asiatic music