Dagundong
Isapuso, isapuso ang pagka-mandirigma
Isapuso, isapuso
Alamat, handa, 'rap!
Ilabas ang mga kalasag (ha)
‘Wag kakarag-karag, humandang pumalag (bakit)
‘Di mo ba nakikita yung mga nasa laot
Mga balangay na dala-dala’y mga salot (pero teka)
Mga katawa’y nakatapal ng bakal (oh)
Wala tayong laban kung kawal sa kawal
Pero ‘pag sama-sama nating palibutan
Ewan ko na lang kung hindi sila kilabutan
Patalasin mga pana’t balaraw
Sumigaw hanggang lupa ay gumalaw (aah)
'Tong mga mapupusyaw, mag-iinaso
Kapag kanilang baluti’y balutin ng palaso
Pulutong, humanay
Pasulong, 'kad
Maghintay ka lang ang mga gimbal ay
Dadagun-dadagun-dadagundong (ooh)
Papau-papau-papaugong (ooh)
Nagsusumigaw kahit na pabulong
Dahil pusong mandirigma
‘Di papakutya, ‘di papapugong
Pusong mandirigma
‘Di papadikta at
Dadagun-dadagun-dadagundong
Sila yung napugutan
Sila yung naghalo ang balat sa tinalupan
Kami yung panalo pero bakit parang kulang
Para bang sila yung naghintay at namuhunan
Teka sandali
Mga gawi ko yung nabura
Ako nang magpapalakad
Ako yung nakatira
Buenom, esto es para ti tambien po
Paga tus aportes al ayuntamiento
Teka nga, sino kang nagpapa-papel
Mga pangalan namin tinala sa papel
Ayaw kong makibahagi, ‘wag ka nang pumapel
Punitin ang sedulang gawa sa papel
Pulutong, humanay
Pasulong, 'kad
Maghintay ka lang ang mga gimbal ay
Dadagun-dadagun-dadagundong (ooh)
Papau-papau-papaugong (ooh)
Nagsusumigaw kahit na pabulong
Dahil pusong mandirigma
‘Di papakutya, ‘di papapugong
Pusong mandirigma
‘Di papadikta at
Dadagun-dadagun-dadagundong
Daming nasawi
Daming mga buhay nawala sa paggapi
Mga bayaning ‘di mailibing mga labi
Pero may dalawang nobelang nakapukaw ng mithi
Pagdating ng bukang liwayway sa wakas ay
Naiwawagayway na rin natin ang
Tatlong bituin at isang araw
Sa wakas at tayo ri’y nagkaisa nga raw
Pero ‘di natin namamalayan
Meron na palang ugnayang
Magpalit kamay ang mananakop
Ngayon ‘di mo ba nakikita yung mga nasa laot
Bagong bapor dala-dala’y mga salot
Pulutong, humanay
Pasulong, 'kad
Maghintay ka lang ang mga gimbal ay
Dadagun-dadagun-dadagundong (ooh)
Papau-papau-papaugong
Nagsusumigaw kahit na pabulong
Dahil pusong mandirigma
‘Di papakutya, ‘di papapugong
Pusong mandirigma
‘Di papadikta at
Dadagun-dadagun-dadagundong