Dating Gawi
Naaalala kong nakita kang naglalaro mag-isa
Nilapitan kita at nagpakilala magmula no’n ay araw-araw na
Magkalaro at nagtatawanan, naghahabulan pa kung saan-saan
Hati tayo sa pagkain palagi hanggang dumilim ay nagtataguan
Lagi akong pumupunta sa kaarawan mo
Tinitignan mga laruan mo tapos kinabukasan tinatago ko
‘Pag napikon ka ay kinukurot mo
Halatang kinikilig ako ‘pag ika’y naggagalit-galitan
Pero ngayong tayo na, tayo na
Pero ngayong tayo na, tayo na
‘Di ka pa rin napapalitan
At kahit kalian ‘di mapapalitan
Walang nagbago sa atin sinta
‘Pag kasama ka’y dating gawi
Manonood tayo hanggang sa magsawa’t
Sa gabi’y hahatid ka pauwi
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Nung tayo’y bata pa’y iniibig na kita
Kumakaripas at nag-uunahan
Kung sinong mahuli ay tatawanan
Tsinelas nasa siko
Mga superhero
Maghapon natin na ginagampanan
Ang sarap balikan
Nung tayo ay nandu’n sa initan
Walang paglagyan ang ngiting matamis
Na kahit kailan ‘di malilimutan
Biruin mo yung mga biruan natin
Naaalala ko pa rin
Yung ayaw ka palabasin
Kasi nga ang daming takdang-aralin
Buti na lang ay pwedeng pumunta sa inyo
Pagtapos mo na magawa
May dala-dala na gumamelang
Kakapitas ko lang din du’n sa baba
Simula nu’ng pagkabata ikaw ang kasama
Hanggang ngayon tayo ang tinadhana
Dating gawi, dating gawi
Maglalakad tayo sabay pauwi
Walang nagbago sa atin sinta
‘Pag kasama ka’y dating gawi
Manonood tayo hanggang sa magsawa’t
Sa gabi’y hahatid ka pauwi
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Nung tayo’y bata pa’y iniibig na kita
Ako ba’y naaalala mo
Sana’y ‘di mo pa nalimot ‘to
Ako lang yung makulit
Na nakalaro mo’t nakaaway mo
Nung tayo ay ‘di magkaintindihan
Kung sino ba taya sa tagu-taguan
Kaya ngayon ay natatawa na lang
Kapag naaalala ko ang ating mga pinagsamahan
Kahit maliit na bagay ay hilig pa natin no’n
Na laging pagtalunan
Pero sa una lang ‘yon
‘Di muling naulit pa noon
Mas gumaan ang pakiramdam
Nung tumagal ang panahon
Halos dumalas ang ating pagsasama
Lagi tayong nagkikita sa gabi at umaga
Pinangako ko sa ’yo na balang araw ay
Sa ’yong pagbalik ako’y maghihintay
Hahawakan ko ulit ang ‘yong kamay
Habang buhay ‘di ka na malulumbay
Sa tabi ko oh aking sinta
‘Di magbabago ang nadarama
Walang nagbago sa atin sinta
‘Pag kasama ka’y dating gawi
Manonood tayo hanggang sa magsawa’t
Sa gabi’y hahatid ka pauwi
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Nung tayo’y bata pa’y iniibig na kita
Yung tipong naghahabulan
Parang walang katapusan
Ganyan tayo kakulit nung kalaro kita
Minsan inaabot pa nga ng gabi
Hinahatid ka pauwi
Para mapayagan ako ng magulang mo
Na makasama ka muli
Agad nagpunta sa inyo
At sa pagbukas ng pinto
Lumabas ka ng hawak ang kamay ko
Sana'y ‘wag nang mahinto
Tumakbo patungo sa palaruan
Nais mo na may kaduyan ka
Dito ko nadama
Na gusto ko nang makatuluyan ka
Mas lalong nasabik pa
Ako sa ’yo na mapalapit
Hinangad ko rin na makatabi ka
At makasama na sa paglaki
Iniisip ko kung kailan kaya mapupuna
‘Tong nadarama sa ’yo ‘di na kaya pang mabura
Nang kasalukuya'y dumating
Mas lumalim lalo ang pagtitinginan
Lagi mong tanawin
Ang pag-ibig ko ay ‘di mapipigilan
Dati gawi pa rin, buti na lang
‘Di nagawang tigilan ka
Kasi haharapin natin nang sabay
Ano mang itinakda
Walang nagbago sa atin sinta
‘Pag kasama ka’y dating gawi
Manonood tayo hanggang sa magsawa’t
Sa gabi’y hahatid ka pauwi
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Magmula, magmula nung tayo’y bata pa
Nung tayo’y bata pa’y iniibig na kita