Iyong
[Verse 1]
Ililigtas mo ba ako?
Hihinga sa tenga ko?
Mahina lang ang boses mo
Ngunit bumibilis ang puso
[Chorus]
Tumigil ang buhay
Parang slow-mo, makulay
Sasama sa himig at tinig
Ng iyong kanta
[Verse 2]
Nakapikit ang 'yong mata
Sigurado sa ginagawa
Abot tenga ang ngiti
Sa mabagal na sandali
[Chorus]
Tumigil ang buhay
Parang slow-mo, makulay
Sasama sa himig at tinig
Ng iyong kanta
[Bridge]
Parang ang bilis ng biyahe
Patawad 'di ko masabi
Kita mo naman sa luha
Aking alay, ang sarili
Aking tunay na pag-ibig
[Chorus]
Tumigil ang buhay
Parang slow-mo, makulay
Sasama sa himig at tinig
Ng iyong kanta