Patintero / Habulan / Larong Kalye

Owel Alvero

[Verse 1]
(Pa pa pa ra ra ra)
Patintero (Pa pa pa ra ra ra)
Sa tapat ng bahay niyo tayo naglalaro
Kung saan nahahati ang daan
Ng mga linyang magtuturo
Na kahit laro ay mayroon ding hangganan

[Verse 2]
(Pa pa pa ra ra ra)
Patintero (Pa pa pa ra ra ra)
Sa ilalim ng araw tayo naglalaro
Kung saan tayo ay sinusundan
Nitong aninong magsasabi
Na bawat galaw
Ay may kahulugan

[Chorus 1]
Nais kong mahagip
Ng damdamin na bumubulusok
Liliparin nitong natatangi nating pagsuyo
Habulin ang matulin na tibok ng ating puso
At ang maiiwang tanong na lang ay kung papa'no
Pa pa ra pa pa

[Verse 3]
Tao po
Yayayain sana
Kitang maglaro
Kahit sandali lang
Kung gusto mo
Pwede tayong magpiko
Pamato mo ang aking puso
At 'wag mong aapakan 'to

[Chorus 2]
Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko ka'gad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sa'yo
At kung ika'y maaabutan
Hinding hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan, naghahabulan
Naghahabulan, naghahabulan

[Verse 4]
Halika na
Wala nang tao sa kalsada
Tayo'y maglaro na muna
Kahit sandali lang
Magtago ka
Ako na muna ang taya
'Di ako titigil
Hangga't 'di kita nakikita

[Chorus 2]
Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko ka'gad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sayo
At kung ika'y maaabutan
Hinding hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan, naghahabulan
Naghahabulan, naghahabulan
Haaan, haaan

[Outro]
Pa pa pa ra ra ra (Pa pa pa ra ra la ra la)
Pa pa pa ra ra ra (Pa pa pa ra ra la ra la)
(Pa pa pa ra ra ra)
Iyong pag-ibig ay larong kalye (Pa pa pa ra ra ra)

Most popular songs of Ang Bandang Shirley

Other artists of