Sila Pa Rin

Napakaraming tao manghuhusga sa isang tingin
'Pag nagkamali ka ang dignidad 'di agad mababawi
Sinong matatakbuhan sinong kasamang ito'y lampasan
Sinong kayang umakay oh aking tahanan ako'y pilay

Maski bali-baliktarin man sila pa rin sila pa rin
Talikuran ka man ng mundo sila'y 'di maglalaho sila pa rin
Kahit hindi ka kamahal-mahal kahit hindi ka tanggap ng lahat
Isang tawag mo lang pamilya mo'y nandiyan
Sila pa rin sila pa rin (oh oh oh)

Iba't iba man iba man ang pananaw natin sa buhay 'yun ang nagpapatibay
Ng ating panghabang-buhay na pundasyon ng relasyon ng relasyon
Sinong matatakbuhan sinong kasamang ito'y lampasan (matatakbuhan sinong ha)
Sinong kayang umakay oh aking tahanan payakap naman (sinong kayang umakay)

Maski bali-baliktarin man sila pa rin sila pa rin (oh)
Talikuran ka man ng mundo sila'y 'di maglalaho sila pa rin (di maglalaho)
Kahit hindi ka kamahal-mahal kahit hindi ka tanggap ng lahat (kahit di ka kamahal-mahal hindi ka tanggap ng lahat)
Isang tawag mo lang pamilya mo'y nandiyan (isang tawag mo lang)
Sila pa rin sila pa rin (oh oh oh)
Pamilya mo'y nandiyan

Most popular songs of Angela Ken

Other artists of Asiatic music