Lipad Ng Pangarap

Arnel De Pano

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayo'y hapdi ng puso
Aabutin anng pangarap

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Katuparan ng iyong pangarap
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal mo nang minithi oh

Tutularan ka ng sunod na saling lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal mo nang minithi oh

Liparin mo ang hangganan ng langit (taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo)
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit (ang pangako ng walang hanggang bukas)
Kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay oh (ang tamis na dulot ng iyong tagumpay)
Ang tamis na dulot ng tagumpay

Trivia about the song Lipad Ng Pangarap by Angeline Quinto

When was the song “Lipad Ng Pangarap” released by Angeline Quinto?
The song Lipad Ng Pangarap was released in 2012, on the album “Fall In Love Again”.
Who composed the song “Lipad Ng Pangarap” by Angeline Quinto?
The song “Lipad Ng Pangarap” by Angeline Quinto was composed by Arnel De Pano.

Most popular songs of Angeline Quinto

Other artists of Middle of the Road (MOR)