Tama Na

Ako ang araw ikaw ang buwan
Pag-ibig nati'y walang hanggan
Ito ang tula ng pusong makata
Sambit ng mga labi sa simula

Ika'y iibigin laging pipiliin
Ikaw lang ang nais makapiling
Ito ang pangako ngunit napako
'Di ko alam bakit dito dumako

Isuko mo na ang laban
Dahil hindi na ako iyong kailangan
Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan
Paulit-ulit kumakapit 'di mapili
Tama na
Tama na

Nagkulang man ako ay para sa 'kin ka
Ngunit bakit ngayon tayo'y malabo na
Ito ang tugon ng pusong napagod
Mahal kita pero paalam na sa'yo

Ika'y iibigin laging pipiliin
Ikaw lang ang nais makapiling
Ito ang pangako ngunit napako
'Di ko alam bakit dito dumako

Isuko mo na ang laban
Dahil hindi na ako ang iyong kailangan
Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan
Paulit-ulit kumakapit 'di mapili
Tama na

'Di makatingin ang hirap sabihin
Tulungan mo akong ika'y palayain

Isuko mo na ang laban
Dahil hindi na ako ang iyong kailangan
Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan
Paulit-ulit kumakapit 'di mapili
Paulit-ulit kumakapit 'di mapili
Paulit-ulit kumakapit 'di mapili
Tama na
Tama na

Most popular songs of Anthony Rosaldo

Other artists of Asiatic music