FULLCLIP
wala tong dulo kaya bakit di ko sasagarin
Suntok sa buwan
Kaya pati araw sasapakin
Pakiramdam nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin
Asa ka men
Hinding hinding hindi tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na mga balak pero may bala pa rin
Araw araw nangungutang ng tulog puro na puyat,
Yung sulat di masukat laging pampudpuran ng utak,
Tulak parin ng tulak lalo’t ramdam kong umuusad,
Ganun talaga siguro pagka pangarap mo lampas ulap,
At ayoko masanay na makatikim ng puri,
Baka mabusog yung gutom ko jusko ako din ang lugi,
Bago pa man nakilala, andami nang gustong masulit,
Ngayon namang nakilala na ko ang gusto ko na ay maikukit,
Ang pangalan kong dala,
Lalo ngayong dito ko dinala
At bago pa matabunan mag marka
Kahit mga bagay na hindi na dapat ginawa ay ginawa kasi pakiramdam ko’y para dito ako ginawa
Kung usapang sipag yung sampu ay sinasampu ko, ‘sandaang porsyento lagi para puro, nung natuto mas tumutok mas natuto sinapuso’t sinaulo lahat ng pwede kasi sabi sa kuro-kuro wala tong dulo
wala tong dulo kaya bakit di ko sasagarin
Suntok sa buwan
Kaya pati araw sasapakin
Pakiramdam nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin
Asa ka men
Hinding hinding hindi tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na mga balak pero may bala pa rin
Magmano ka muna saken bago ka magmagaling
Sa oras na maging bituin hirap ka ng matahin
Laging tinatalo yung tao sa harap ng salamin
Gulong ay makapit kahit malayo na ang narating
Lumusot sa butas ng karayom walang kupas ang tela
Dahil ang makina’y puno ng mga makukulay na letra
Lapis, upuan, lamesa
Naging puhunan sa gera
Kinalabit ko na ang gatilyo
Habang puro ka teka
Nakaabang sa pagkadapa
Asa ka pa para kang tanga
Mga talangkang walang magawa naghahanap ng kasama sa baba
Hindi na kailangan pa na mag abala
kusa naman na mawawala
walangmakakadama
Tingnan mo bandang huli sila pa yung mga nakakatawa
Palaging puno ang tangke sa napiling daanan
Hindi hahayaan may makinabang sa pinaghirapan
Hindi mapapagod malabong matakot sa laban wala ng atrasan
Lilipad ng matayog kahit na umabot pa hanggang kalawakan