Sana Araw-Araw Ay Pasko

Bakit sa tuwing Pasko lamang mayroong saya
Sa tuwing Pasko lamang nagkakasama
Pagkatapos ng Pasko ay limot na
Ang pag-ibig na inalay sa isa't isa
Sana kahit hindi Pasko
Himig na inaawit ay iisa
Mahirap man o mayaman ka

Sana araw-araw ay Pasko
Araw-araw ay mayroong pag-ibig
Sa bawat puso
Sana araw-araw ay Pasko
Nang maglaho ang gulo
At maghari ang katahimikan
Sa ating mundo oh

Bakit sa t'wing Pasko lamang nagbibigayan
Damdamin ay dapat na laging buksan
`Di naman mahirap ang magmahal
Pagpapalain ka pa nga ng Maykapal
Sana kahit hindi Pasko
Ang pintig ng puso'y `di magbabago
Ang mahalaga'y pagmamahal mo

Sana araw-araw ay Pasko
Araw-araw ay mayroong pag-ibig
Sa bawat puso
Sana araw-araw ay Pasko
Nang maglaho ang gulo
At maghari ang katahimikan
Sa ating mundo oh

Sana araw-araw ay Pasko
Araw-araw ay mayroong pag-ibig
Sa bawat puso
Sana araw-araw ay Pasko
Sana araw-araw ay Pasko

Trivia about the song Sana Araw-Araw Ay Pasko by Ariel Rivera

When was the song “Sana Araw-Araw Ay Pasko” released by Ariel Rivera?
The song Sana Araw-Araw Ay Pasko was released in 1998, on the album “Paskong Walang Katulad”.

Most popular songs of Ariel Rivera

Other artists of Pinoy pop