Tamis Ng Unang Halik
Isang saglit na ubod tagal
Unang halik ng yong mahal
Sang saglit lang ng matikman
Isang saglit na parang walang hanggan
Yan ang iyong unang halik
Kaylan pa yon kay tagal na
Ngunit tamis naroon pa
T'wing ang mata'y mapipikit
Bakit tamis kusang nagbabalik
Kukupas daw ngunit hindi ang alaala mo
Ng una mong halik
Puso mo'y maghahanap
Muli at muli kang magmamahal
Lahat ay malilimot mo ngunit hindi
Ngunit hindi ang iyong unang halik
Unang tibok ng pusong sabik
Isang saglit lang ang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
Limutin mo man mahirap gawin dahil damdamin mo'y sumisigaw
Mapipi man ang yong bibig
Kay tamis ng una mong halik