Itanong Mo Sa Mga Bata

Ikaw ba'y nalulungkot
Ikaw ba'y nag-iisa
Walang kaibigan
Walang kasama
Ikaw ba'y nalilito
Pag-iisip mo'y nagugulo
Sa buhay ng tao
Sa takbo ng buhay mo
Ikaw ba'y isang mayaman
O ika'y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa
Ang mas nahihirapan

Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita

Ikaw ba'y ang taong
Walang pakialam sa mundo
Ngunit ang katotohanan
Ikaw ma'y naguguluhan
Tayo ay naglalakbay
Habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba'y tulay
Tungo sa hanap nating buhay
Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin

Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan

Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita

Trivia about the song Itanong Mo Sa Mga Bata by Asin

On which albums was the song “Itanong Mo Sa Mga Bata” released by Asin?
Asin released the song on the albums “Asin” in 1978, “Masdan Mo Ang Kapaligiran” in 1994, and “Special Collector’s Edition: Masdan Mo Ang Kapaligiran” in 1994.

Most popular songs of Asin

Other artists of