Minsan Pa Nating Hangkan Ang Nakaraan

Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan
At ang kahapong saya'y bigyan daan
Mapananariwa pa nating muli
Ang pag-ibig kahit na ngayo'y mali

Minsan pa nating buksan nakapinid nang pinto
Muli kong hahaplusin ang 'yong puso
At subukan natin kung may nanabik
Na pagmamahal kahit man lang kaunti

Nababatid kong kasalanan muli nating pagmamahalan
Subalit di ko magawang limutin ka
Sasabihin kong ako ang siyang nagkasala
Mahal kita mahal kita

Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan
Buhay man ang kapalit ako'y laan
Dahil ang pag-ibig ko'y di mamamatay
Sa mundong ito'y wala pang papantay
Nababatid kong kasalanan muli nating pagmamahalan
Subalit di ko magawang limutin ka
Sasabihin kong ako ang siyang nagkasala
Mahal kita mahal kita
Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan
Buhay man ang kapalit ako'y laan
Ang pag-ibig ko'y buhay kailanpaman
At maghihintay sa 'yo kahit saan
Minsan pa nating hagkan ang nakaraan

Trivia about the song Minsan Pa Nating Hangkan Ang Nakaraan by Basil Valdez

On which albums was the song “Minsan Pa Nating Hangkan Ang Nakaraan” released by Basil Valdez?
Basil Valdez released the song on the albums “Hindi Kita Malilimutan” in 1994 and “Best of Basil, Vol. 2” in 2019.

Most popular songs of Basil Valdez

Other artists of Asian pop