Pagputi ng Uwak

Pagputi ng uwak
Pag-itim ng tagak
Hanggang do'n lang tatagal
Ang aking pagmamahal
Kapag ang araw ay
Sinlamig na ng bangkay
Bawat bituing nagniningning
Ay di na rin nagtagal

Kulang ang panahon
Ang kailan man ay kulang din
Upang hanggang doon
Ay ibigin ka't sambahin
Mahal mo ako
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Panahon ay di tiyak
Puputi rin ang uwak

Kulang ang panahon
Ang kailan man ay kulang din
Upang hanggang doon
Ay ibigin ka't sambahin

Pagputi ng uwak
Pag-itim ng tagak
Hanggang do'n lang tatagal
Ang aking pagmamahal

Trivia about the song Pagputi ng Uwak by Basil Valdez

On which albums was the song “Pagputi ng Uwak” released by Basil Valdez?
Basil Valdez released the song on the albums “Basil” in 2009, “18 Greatest Hits Basil Valdez” in 2009, and “Best of Basil, Vol. 2” in 2019.

Most popular songs of Basil Valdez

Other artists of Asian pop