Bibingka
Simbang gabi na naman
Tayo gising na patulog pa lang ang buwan
Ang simoy ng hangin
Dahan-dahan na humahaplos
Sa mukha ng bawat tao
Bumabagsak-bagsak pa ang mata
Dahan-dahang kumislap
Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
Kung sa'n magkasama tayong nagdasal
At nakinig sa Misa de Gallo
Pagdating ng Ama Namin ang oras huminto
Nang magkahawak ang ating mga kamay
Humawing mga ulap at sabay
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila
At pagkatapos magsimba
Habang hinahatid kita sa iyong tahanan
Parang walang katapusan ang ating kwentuhan
Tungkol sa mga buhay ng isa't isa ako'y nahalina
Nang mapadaan tayo du'n sa may tindahan
Humawing mga ulap at sabay
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila
Natapos din ang siyam na araw ng simbang gabi
Ang sabi ko sa sarili baka ito na'ng huli
Pero mula nu'ng unang Ama Namin
Na ang iyong kamay ay hinawakan
'Di mo na binitawan
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Oh ang sabi nila (oh)
Ang sabi nila
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana