Diskarte

DINO VINCENT PAUL A CONCEPCION

Sa gubat yan ang problema anyong kaharap
Damdamin mo pinagbanlawan ng hirap
Puso mong sinipit pag-ibig na pinipilit
Kung pwede lang maalis ang sakit

Humawak ka sa aking mga kamay
Mga pagsubok haharapin nating nang sabay
Wag kang manghinayang di pa tapos ang laban
Bumabad sa aking pagmamahal

Baby huminga ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Baby huminga ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Kahit nahihirapan ituloy ang kasiyahan
Wag kang magpadala sa mga kabiguan
Problema'y para ding bula mawawala at may hangganan
Kung gugustuhin lahat may paraan

Baby huminga ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Baby huminga ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Ganyan talaga ang buhay kung minsan (kung minsan)
Nadudulas rin pero laging alalahanin
Ang luhaan mong pusong pinagsampayan (pinagsampayan)
Natutuyo din sa sinag ng pag-ibig sa katagalan

Baby huminga ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Baby huminga ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Baby huminga ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Baby ngumiti ka naman
Diskarte lang yan (ha)
Tamang kuskos maaayos din yan

Ayos din yan ayos din yan
Diskarte lang yan yeah (ha)
Ayos din yan o ayos din yan
Diskarte (ha)

Trivia about the song Diskarte by Brownman Revival

When was the song “Diskarte” released by Brownman Revival?
The song Diskarte was released in 2007, on the album “Ayos Din”.
Who composed the song “Diskarte” by Brownman Revival?
The song “Diskarte” by Brownman Revival was composed by DINO VINCENT PAUL A CONCEPCION.

Most popular songs of Brownman Revival

Other artists of Asiatic music