Gandang Sinauna At Sariwa

Jandi Arboleda, Norman Agatep, Fr. Manoling Francisco SJ, Fr. Vic Baltazar SJ

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha mong tanan
Di ko akalaing ikaw pala'y nilisan (di ko akalaing ikaw)

Ako'y tinawagan mula sa katahimikan
Pinukaw mo ang aking pandinig
Biglang luminaw ang awit ng daigdig

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan (ngunit hinahanap pa rin)

Ako'y inilawan mula sa 'king kadiliman
Minulat mo aking mga mata
Biglang luminaw tanglaw ko sa tuwina

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha mong tanan
Di ko akalaing ikaw pala'y nilisan ah

Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Akong nilikha mo uuwi rin sa 'yo
Ako'y papayapa lamang sa pilin mo

Trivia about the song Gandang Sinauna At Sariwa by Bukas Palad Music Ministry

When was the song “Gandang Sinauna At Sariwa” released by Bukas Palad Music Ministry?
The song Gandang Sinauna At Sariwa was released in 1997, on the album “The Best of Bukas Palad, Vol. 1”.
Who composed the song “Gandang Sinauna At Sariwa” by Bukas Palad Music Ministry?
The song “Gandang Sinauna At Sariwa” by Bukas Palad Music Ministry was composed by Jandi Arboleda, Norman Agatep, Fr. Manoling Francisco SJ, Fr. Vic Baltazar SJ.

Most popular songs of Bukas Palad Music Ministry

Other artists of Worship