Hanggang Ngayon

Hatinggabi at nakatanga
Sa orasan sa dingding
Ng kwarto kong
Walang ligaya't lambing na nadarama

Kasi kasama lang kita
Nagiging ulap ang kalsada't
Parang awit ang lahat sa pandinig
Iniibig

Ako na lang iintindi
Ako na lang ang aatras
Ako na lang ang tatanggi
Na minamahal kita
Umalab man ang apoy
Ang ikaw at ang ako'y
Di napapanahon
Kaya ngayon

Ako'y maghihintay
Sapat ang maghintay
Iniibig kita hanggang ngayon

Pagkakamali ba ang naganap
Kung sa aking mundo na kay gulo
Ngayon sariwang hangin
Ang nalalanghap

Ang makasama lang kita
Bawat bukas ay pag-asang
Singliwanag ng iyong
Mga mata
Sinisinta

Ako na lang iintindi
Ako na lang ang aatras
Ako na lang ang tatanggi
Na minamahal kita
Umalab man ang apoy
Ang ikaw at ang ako'y
Di napapanahon
Kaya ngayon

Ako'y maghihintay
Sapat ang maghintay
Iniibig kita hanggang ngayon

Ako na lang iintindi
Ako na lang ang aatras
Ako na lang ang tatanggi
Na minamahal kita
Umalab man ang apoy
Ang ikaw at ang ako'y
Di napapanahon
Kaya ngayon

Ako'y maghihintay
Sapat ang maghintay
Iniibig kita
Hanggang ngayon

Other artists of Religious