Ang Buhay Ko'y Iyung-Iyo

Rolando S. Tinio

Ang loob noo'y namimigat
Ligaya'y lagi ng anong ilap
Ngunit buhat ng ibigin ka
Nalunasan ang iniinda
Kaya nga't uulitin ko
Ang buhay ko'y iyong-iyo

Di batid saan magwawakas
Landas na itong ngayo'y tinatahak
Ngunit bakit ba magtatanong
May iba kayang mahahantong
Kung isasaisip mong
Ang buhay ko'y iyong-iyo

Kung kinabukasan di kasing tamis ng nagdaan
Dati nang ligaya'y
Di ba't maaaring mahiram

Di batid saan magwawakas
Landas na itong ngayo'y tinatahak
Ngunit bakit pa magtatanong
May iba kayang mahahantong
Kung isasaisip mong
Ang buhay ko'y iyong-iyo
Iyong-iyo

Trivia about the song Ang Buhay Ko'y Iyung-Iyo by Celeste Legaspi

When was the song “Ang Buhay Ko'y Iyung-Iyo” released by Celeste Legaspi?
The song Ang Buhay Ko'y Iyung-Iyo was released in 2010, on the album “Celeste, Vol. 1”.
Who composed the song “Ang Buhay Ko'y Iyung-Iyo” by Celeste Legaspi?
The song “Ang Buhay Ko'y Iyung-Iyo” by Celeste Legaspi was composed by Rolando S. Tinio.

Most popular songs of Celeste Legaspi

Other artists of Asian pop