Kundiman Ng Luha

Nicanor Abelardo

Paraluman sa pinto ng iyong dibdib
Isang puso ang naritong humihibik
Kaluluwang luksang-luksa at may sakit
Pagbuksan mo't damayan
Kahit saglit

Tingnan yaring matang luha'y bumubukal
Humihingi ng awa mo't pagmamahal
Damhin mo rin ang dibdib kong namamanglaw
Yaring puso sa pagsinta'y mamamatay mamamatay ay

Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Ah pag-ibig kung ang oo mo ay matamo

Hanggang sa hukay hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako

Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Ah pag-ibig kung ang oo mo ay matamo

Hanggang sa hukay hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako
Magkasama ikaw at ako

Trivia about the song Kundiman Ng Luha by Celeste Legaspi

When was the song “Kundiman Ng Luha” released by Celeste Legaspi?
The song Kundiman Ng Luha was released in 2014, on the album “Koleksyon”.
Who composed the song “Kundiman Ng Luha” by Celeste Legaspi?
The song “Kundiman Ng Luha” by Celeste Legaspi was composed by Nicanor Abelardo.

Most popular songs of Celeste Legaspi

Other artists of Asian pop