Nakapagtataka

Naiintindihan mo ba kung bakit ganito
Ang kalagayan ng pag-ibig ko
Kung bakit di magkasundo pusong magkabiyak
Kung bakit ang tuwa naging luha

Oh oh yeah

Walang tigil ang gulo
Sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay
Nakapagtataka oh
Kung bakit ganito
Ang aking kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno nang iyakan
Nakapagtataka nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod
O di kaya nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan

Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh

Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw
Wala na bang pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka saan na napunta

Hindi ka ba napapagod
O di kaya nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan

Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman

Oh napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh oh

Most popular songs of Celeste Legaspi

Other artists of Asian pop