Ngayon At Kailanman

George Canseco

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo ng maitadhanang
Ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di 'na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggang doon magwawakas pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng bawat bukas

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng bawat bukas

Labis kitang mahal sinta (ngayon at kailanman)
Tangi sa maykapal sinta(ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman

Trivia about the song Ngayon At Kailanman by Celeste Legaspi

When was the song “Ngayon At Kailanman” released by Celeste Legaspi?
The song Ngayon At Kailanman was released in 2009, on the album “Ako at Si Celeste”.
Who composed the song “Ngayon At Kailanman” by Celeste Legaspi?
The song “Ngayon At Kailanman” by Celeste Legaspi was composed by George Canseco.

Most popular songs of Celeste Legaspi

Other artists of Asian pop