Kulang

Tuwing hating gabi
Napapaisip lang saglit
Bago pumikit at umidlip
Paano na kaya bukas

Sa paggising ay may luha
Oh heto na naman ako
Mas mabuti pang magkalayo ang ating landas
At dahil wala ka naman talagang oras

Alam mo ba iniisip kita
Paano kung bigla na lang ako maglaho sa piling mo
Pipilitin mo bang ibalik ang nararamdaman
Pero hanggang dito na lang talaga ang nakalaan sa ating dalawa
Sa ating dalawa ooh

Ayoko na ng ganito
Nahihirapan na ako oh
Isa kang masakit na ala-ala
Na pilit kong kinakalimutan

Oh heto na naman ako
Mas mabuti pang magkalayo ang ating landas oh
At dahil wala ka naman talagang oras

Alam mo ba iniisip kita
Paano kung bigla na lang ako maglaho sa piling mo
Pipilitin mo bang ibalik ang nararamdaman
Pero hanggang dito na lang talaga ang nakalaan sa ating dalawa

Alam mo ba iniisip kita
Paano kung bigla na lang ako maglaho sa piling mo
Pipilitin mo bang ibalik ang nararamdaman
Pero hanggang dito na lang talaga ang nakalaan

Alam mo ba iniisip kita
Paano kung bigla na lang ako maglaho sa piling mo
Pipilitin mo bang ibalik ang nararamdaman
Pero hanggang dito na lang talaga ang nakalaan sa ating dalawa
Oh

Most popular songs of Chicosci

Other artists of Emo