Kayang Abutin

Minsan pakiramdam ko lahat ng ito ay
Imposible na lang ang sagot
Pag-aalinlangan ko'y laging nandiyan
Para bang wala nang mapapatunayan
Ilang pintuan pa ba ang sasarhan

Sa aking paglalakbay
Bawat hakbang ay mahalaga
Ngunit ngayo'y puno ng pangamba
Kung ito na nga ba o hindi pa

Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Mahirap man ang labang tatahakin
Kayang abutin ang mga pangarap
Pagkat ang mga hindi mo noon ay papunta sa mga oo mo ngayon

Anumang sabihin nila ay balewala na
Di nila hawak ang hinaharap
Kaya kong abutin ang lahat

Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Mahirap man ang labang tatahakin
Kayang abutin ang mga pangarap

Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Mahirap man ang labang tatahakin
Kayang abutin ang mga pangarap

Walang imposible
Hindi imposible

Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Mahirap man ang labang tatahakin
Kayang abutin ang mga pangarap
Pagkat ang mga hindi mo noon ay papunta sa mga oo mo ngayon

Other artists of Pinoy pop