Sisikat Din Ako

Jim Paredes

Halos 'di ko na matandaan
Kung kailan pang nahilig umawit
Nangarap isang araw sisikat din
At maging isang maliwanag na bituin

Sa tagal ng panahon marami na kong nagawa
Marami nang awiting nilikha
Nguni't hindi pa rin mayakap ang hangarin
Hangarin kong maging isang bituin

Tuloy tuloy pa rin
Ang pagsisikap ko
Pagka't balang araw
Makikinig kayo
Tuloy tuloy pa rin
Ang pag-aawit ko
At makikita nyo
Sisikat din ako

May kalayuan nang naabot ko
Mula noong ako'y nagsimula
Isang batang mahilig umawit
At isang hiram na lumang gitara

Sa tagal ng panahon marami na kong nagawa
Marami nang awiting nilikha
Nguni't hindi pa rin mayakap ang hangarin
Hindi pa rin ako isang bituin

Tuloy tuloy pa rin
Ang pagsisikap ko
Pagka't balang araw
Makikinig kayo
Tuloy tuloy pa rin
Ang pag-aawit ko
At makikita nyo
Sisikat din ako

Tuloy tuloy pa rin
Ang pagsisikap ko
Pagka't balang araw
Makikinig kayo
Tuloy tuloy pa rin
Ang pag-aawit ko
At makikita nyo
Sisikat din ako

Oh sisikat din ako

Trivia about the song Sisikat Din Ako by Daniel Padilla

When was the song “Sisikat Din Ako” released by Daniel Padilla?
The song Sisikat Din Ako was released in 2013, on the album “DJP”.
Who composed the song “Sisikat Din Ako” by Daniel Padilla?
The song “Sisikat Din Ako” by Daniel Padilla was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of Daniel Padilla

Other artists of Film score