Basta't Kasama Kita [FPJ's Ang Probinsyano Music from the Original TV Series]

Sa tuwing tayo’y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali hanap kita
‘Di mapakali hanggang muling kapiling ka
Dahil kung ika’y makita na
Labis labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na

Basta’t kasama kita
Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa’yo
Basta’t kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta’t kasama kita

Giliw sana ay ikaw na nga
Ang siyang mananatiling kasama ko
Dahil kung ika’y mawawala
Pati lahat sa buhay ko’y maglalaho

Basta’t kasama kita
Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa’yo
Basta’t kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta’t kasama kita

Oh oh oh

Basta’t kasama kita
Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa’yo
Basta’t kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta’t kasama kita Oh

Wala nang hahanapin pa
Basta’t kasama kita

Most popular songs of Daryl Ong

Other artists of Middle of the Road (MOR)