Darna Ikaw Na

Kay tagal kita na hinahanap
Makapiling kahit sa pangarap
Ang sarili ay kinakausap
Makasama mo sa bawat paglipad

Bakit ba hindi ko maiwasan
Na hagkan hagkan ang iyong larawan
Bawat sandali ko'y laging kulang
Pag ikaw ay hindi ko na namamasdan

Darna maari bang ikaw na
Ang siyang maging prinsesa
Na kapiling ko kahit na kailan pa
Sana gabi hanggang umaga
Ikaw ang siyang kayakap
At ang pagmamahal sayo'y padarama

Ang puso ay bigyan mo ng pag-asa
Sa akin ang pinto ay buksan sana
Kung mawawala ka'y di ko kaya
Ng pag-ibig mo'y ibaling sa iba

Bakit ba hindi ko maiwasan
Na hagkan hagkan ang iyong larawan
Bawat sandali ko'y laging kulang
Pag ikaw ay hindi ko na namamasdan

Darna maari bang ikaw na
Ang siyang maging prinsesa
Na kapiling ko kahit na kailan pa
Sana gabi hanggang umaga
Ikaw ang siyang kayakap
At ang pagmamahal sayo'y padarama

Woah
Sa paglipad isama mo ako

Darna maari bang ikaw na
Ang siyang maging prinsesa
Na kapiling ko kahit na kailan pa
Sana gabi hanggang umaga
Ikaw ang siyang kayakap
At ang pagmamahal sayo'y padarama oh

Most popular songs of Daryl Ong

Other artists of Middle of the Road (MOR)