Tahimik Lang

Walang tunog
Kapag ang luha'y pumapatak
At ang pusong sumisigaw
Walang nakakarinig
At ang labing napipi
Gusto mang magsumbong
Tahimik lang

Paos na
Ang damdaming naisantabi
Kahit magmakaawa
Walang makakapansin
Patuloy lang sa pag-ikot ang mundong
Kay ingay
Habang narito ako
Tahimik lang
Ang pusong bagong libing
Ay tahimik lang

La la la

Bingi na
Kahit ang simoy ng hangin
At ang mga kaibigan
Tila lahat abala
Wala ni isang
Nakapunang ako'y
Itinulak
At nahulog na
Nadurog na
Ang pusong bagong libing
Ay tahimik lang
Ay tahimik lang
Tahimik

Most popular songs of Daryl Ong

Other artists of Middle of the Road (MOR)