Ikaw Ang Aking Tahanan [Alternative Version]
Gabi at umaga ang agwat nating dalawa sa pagitan ay mga bit'wing tila kulang ng ningning
Ako'y nagsusumikap nagpapakahirap at 'di makatulog ng mahimbing sa kamang hindi akin
Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw pa rin ikaw lamang ang aking tahanan
Tinitiis ang lamig alang-alang sa pag-ibig 'di madali ang buhay na pinili para sa'kin ng tadhana
Ngunit ngayong gabi ang tanging nais lamang
Ay humiga sa iyong tabi 'wag sa kamang hindi akin
Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ikaw lamang ang aking tahanan
Malayo man ikaw parin ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ang aking tahanan
Ikaw lamang ang nag-iisa sa puso ko ikaw lamang ang nag-iisang tahanan