Kasayaw

Mauuna ba
Ang kanan o kaliwa
Minamasdan ka't iniingatang huwag madapa
Ang lihim kong pakay sayo'y makasabay
Maunawaan ang wika ng iyong galaw
Matutong sumayaw
Matutong sumayaw

Ngayon parang tayo pa lang dalawa ang nandito
Kahit saglit ay akin ka't ako ay iyo
Bawat ngiti mo ay pag-ibig na
Bawat hakbang tungo sa kawalan
Mahal tanging ikaw
Lamang ang nais kong kasayaw
Ang nais kong
Kasayaw

At dahan-dahan mo akong tinuturuan
Hagkan ka't bitawan pag wala nang maramdaman
Sana'y marinig mo ang himig ng aking pag-ibig
Hinding-hindi bibitaw hanggang matutong sumayaw
Matutong sumayaw

Ngayon parang tayo na lang dalawa ang nandito
Kahit saglit ay akin ka't ako ay iyo
Bawat ngiti mo ay pag-ibig na
Bawat hakbang tungo sa kawalan
Mahal tanging ikaw
Lamang ang nais kong kasayaw
Ang nais kong kasayaw

Na parang atin lamang ang gabing ito
Bawat ngiti mo ay pag-ibig na
Bawat hakbang tungo sa kawalan
Mahal tanging ikaw
Lamang ang nais kong kasayaw
Ang nais kong kasayaw
Ang nais kong kasayaw

Trivia about the song Kasayaw by Ebe Dancel

When was the song “Kasayaw” released by Ebe Dancel?
The song Kasayaw was released in 2015, on the album “Bawat Daan”.

Most popular songs of Ebe Dancel

Other artists of Pop rock