Maligalig [Alternative]

VINCENT FERDINAND DANCEL

Ayaw pang matulog ng gabi sa kama kong walang silbi
Ang umaga'y para bang kay layo layo pa bumabagal ang ikot ng mundo
Habang bumibilis naman ang takbo ng utak kong gumugulong gulong

Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong maligalig maligalig (ha)

Utak ko'y parang sampung tv iba't-ibang istasyon na tabi-tabi
Ako ay drama at comedy ako ay araw at gabi

Kumakanta't umiindak may maalala lang biglang iiyak parang napapagod na ko sa mundo

Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong maligalig maligalig (ha)

Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong
Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong maligalig maligalig maligalig maligalig (ha ha ha)

Dahil ang tanging nais lamang ay mapakali dahil ang tanging nais lamang ay mapakali
Dahil ang tanging nais lamang dahil ang tanging nais lamang (ah ah)

Trivia about the song Maligalig [Alternative] by Ebe Dancel

Who composed the song “Maligalig [Alternative]” by Ebe Dancel?
The song “Maligalig [Alternative]” by Ebe Dancel was composed by VINCENT FERDINAND DANCEL.

Most popular songs of Ebe Dancel

Other artists of Pop rock