Muli

Elai Rona

Halimuyak ng iyong awra
Ako ay binabalik sa iyong yakap
Sana lang manatili ka
Oh muli, tuwina

Nakaupo na kung saan ikay tanaw
Alam mo yan
At pinagmamasdan ko lang ang yong galaw
Sa damuhan
Sabay sa hangin at bigay sa pag sayaw, mahal ko yan
Ikaw ang tanging lilim ko sa tag araw o tag-ulan

Mga pagtawa mo na para bang wala ng bukas
Sa aking kalungkutan natutunan na ang lunas
Ikaw lamang, hindi matatawaran
Mula kay kamahalan ngiti mo na kayamanan
Marilag

Isang babae na diwata sa makiling
Lumalambot pusong bato pag napatitig ka
Isang tanong di na magdadalawang isip
Pipiliin ka sa araw-araw na napag gising

Kahit ilang beses mag palit ng kalendaryo
Walang paki sa araw basta mag kalapit tayo
Pagmamahalan na umabot ng ganitong kalayo
Yakap ang litrato mo sating gintong anibersaryo

Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Babalik ka bang muli

Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Babalik ka bang muli

Halimuyak ng 'yong awra
Ako ay binabalik sa iyong yakap
Sana lang manatili ka
Oh muli, tuwina

Mula nung una kitang makilala
Alam ko na ika'y una't huli
Sa biyahe pwede bang makiabala
Mga supling natin ang siyang sukli

Pakape kape nalang tanghaling sandali
Habang ikaw naman palaging tatahi
Hindi 'to komplikado di rin ganon kadali
Pagtrabaho pagaalis ko may pabaon kang halik

Tumanda na nga sila, lima nating Anak
Nagkapamilya na lahat iba't iba na ang yapak
Kaya puno ko ng galak kapag nag salo-salo
Naging matayog tayo sa mundong pabago bago

At kung mababalik ko lang segundong dumaan
Hahamakin ang lahat muli kalang maramdaman
At kung sa oras ba naman ako makipaghilahan
Mapipigilan ko ba ang iyong huling hinga mahal

Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Babalik ka bang muli

Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Mababalik pa ba
Mababalik ka ba
Babalik ka bang muli

Trivia about the song Muli by Elai

Who composed the song “Muli” by Elai?
The song “Muli” by Elai was composed by Elai Rona.

Most popular songs of Elai

Other artists of Trap