Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Ryan Cayabyab

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta

Maari bang huwag ka na
Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)

Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Trivia about the song Tuwing Umuulan At Kapiling Ka by Eraserheads

When was the song “Tuwing Umuulan At Kapiling Ka” released by Eraserheads?
The song Tuwing Umuulan At Kapiling Ka was released in 2010, on the album “Dirty Little Treasures”.
Who composed the song “Tuwing Umuulan At Kapiling Ka” by Eraserheads?
The song “Tuwing Umuulan At Kapiling Ka” by Eraserheads was composed by Ryan Cayabyab.

Most popular songs of Eraserheads

Other artists of