Bakit Ba Iniibig Ka

Ogie Alcasid

Ang sabi mo sa akin tayong dalawa'y magmamahalan lagi
Ang sabi mo sa akin tayo'y magtatagal
Tunay ang iyong pagmamahal

Ngunit ang lahat ng iyong pangako
Hindi makatotohanan kahit ito'y ating inaasam

Bakit ba inibig ka ang puso ko ngayo'y nangangamba
Kung ika'y nararapat ko pang tanggapin
Bakit ba hindi ko magawang iwasan ang iyong tingin
Ngayon ang puso mo'y mayro'ng umaangkin

Dapat bang pigilin ang nadarama kahit tayo'y laging nagkikita
'Wag na tayong umasa sa pag-ibig na ito masasaktan lamang tayo
'Pagkat ang ating mga pangarap (mga pangarap)
Hindi mangyayari habang sati'y may nagmamay-ari (di mangyayari oh)

Bakit ba inibig ka ang puso ko ngayo'y nangangamba
Kung ika'y nararapat ko pang tanggapin
Bakit ba hindi ko magawang iwasan ang iyong tingin
Ngayon ang puso mo'y mayro'ng umaangkin

Hindi ko kaya ang mawala ka (oh)
Hindi ko kayang mag-isa
Tulungan mo akong malimot ka
'Pagkat hindi na dapat pang ibigin ka (ibigin ka)

Bakit ba inibig ka ang puso ko ngayo'y nangangamba (bakit inibig ka)
Kung ika'y nararapat ko pang tanggapin
Bakit ba hindi ko magawang iwasan ang iyong tingin
Ngayon ang puso mo'y mayro'ng umaangkin

Trivia about the song Bakit Ba Iniibig Ka by Erik Santos

When was the song “Bakit Ba Iniibig Ka” released by Erik Santos?
The song Bakit Ba Iniibig Ka was released in 2005, on the album “Loving You Now”.
Who composed the song “Bakit Ba Iniibig Ka” by Erik Santos?
The song “Bakit Ba Iniibig Ka” by Erik Santos was composed by Ogie Alcasid.

Most popular songs of Erik Santos

Other artists of Middle of the Road (MOR)