Muling Buksan Ang Puso

George Canseco

Walang hindi man lang dumanas kailanman
Magmahal nang tapat at 'di man lamang nasaktan
'Yan ay sadyang bahagi ng karanasan
Minsa'y nadarapa paano mapagagaang
Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan

Muling buksan ang pusong minsa'y nagtampo
Mamamasdang muli ang kagandahan ng mundo
Walang hapding mananatiling nasa 'yo
Basta't limutin mo ano mang sakit nito
At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo

Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang
Dusa't ligaya'y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito'y hindi magbabalik muli

Kaya't buksan ang puso at yakapin mo
Ang kasawian man kung 'yan ang natakda sa 'yo
Bukas magugulat ka pa paggising mo
Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo
'Di ba't bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso

Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang
Dusa't ligaya'y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito'y hindi magbabalik muli

Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang
Dusa't ligaya'y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito'y hindi magbabalik muli

Kaya't buksan ang puso at yakapin mo
Ang kasawian man kung 'yan ang natakda sa 'yo
Bukas magugulat ka pa paggising mo
Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo
'Di ba't bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso

Kung nasaktan ka man 'yan din ay magdaraan
Puso'y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan

Trivia about the song Muling Buksan Ang Puso by Erik Santos

When was the song “Muling Buksan Ang Puso” released by Erik Santos?
The song Muling Buksan Ang Puso was released in 2011, on the album “Awit Para Sa’Yo”.
Who composed the song “Muling Buksan Ang Puso” by Erik Santos?
The song “Muling Buksan Ang Puso” by Erik Santos was composed by George Canseco.

Most popular songs of Erik Santos

Other artists of Middle of the Road (MOR)