Ako'y Tao
Iisipin ng iba na ako'y abang-aba
Dahil sa kasuotan kong ito
Ang pantalon ko'y may butas
Ang laylayan ay tastas
May tagpi ang kupas na polo ko
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman
Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
'Pagkat ako'y tao na may buto't laman
Tulad nila sa daigdig ay may karapatan
Sasabihin ng iba na ako'y isang mangmang
Dahil ang naabot ko'y mababa lang
Iisa ang diploma marka'y pasang awa pa
Nakamit sa isang mababang paaralan
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman
Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
'Pagkat ako'y tao na may buto't laman
Tulad nila sa daigdig ay may karapatan
May dugo at may laman may puso at isipan
Ako'y tao na mayrong pakiramdam
Kahit na ina-aba at ituring pang mangmang
Ako'y tao na walang pakialam
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman
Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
'Pagkat ako'y taong husto ang isipan
Tulad nila sa daigdïg ay may karapatan