Ang Bisaya

Galing ng bisaya siya'y pumunta sa Maynila
Hakot ang damit dala pati kanyang gitara
Perang inipon ng limang taon
Inilagay niya sa bayong

Siya'y nahilo sa barko pagkat siya'y nalula
Napansin ito ng mandurukot sa Maynila
Perang inipon ng limang taon
Para na lang itinapon

Tinangay ng mandurukot
Wala ni konting habag
Pobreng bisaya ay nagutom
Ang laman ng tiyan ay kabag

Siya'y lumakad at hindi niya pinansin ang pagod
Para s'yang kabayong may kutserong lumalagod
Sa isang puno ay tumigil siya
At tinugtog ang gitara

Pesteng yawa
Kay hirap pala ng buhay sa Maynila
Pag ikaw ay binunggo ng iyong kapwa
Ang iyong kakainin ay
Inihaw haw na carabao

Kulay pulang taksi ang sa tapat niya'y tumigil
May seksing babaeng bumaba siya ay nanggigil
Agad niya itong sinunggaban
At dinala sa damuhan

May pulis may pulis
Siya'y nakita ng pulis
Habang siya ay naglililis
Anong haba ng batuta ng pulis
Kaya't siya ay tumakbo

Kaya't siya ay tumakbo
Tumakbo siya ng mabilis burles

Most popular songs of Florante

Other artists of Folk rock