Bigkas

Araw araw tayo ay may pinag-uusapan tayo ay nagkakaintindihan
Ngunit mayrong salita na tayoy naa-asiwa kung ang pagbigkas ay hindi tama
Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit iba ang ibig sabihin
Kung mali ang pagbigkas ikay mawawala narito ang ilang halimbawa

Puno-puno
Gabi-gabi
Paso-paso
Huli-huli

Hamon-hamon
Dala-dala
Hapon-hapon
Kita-kita

Araw araw din tayo ay mayrong nababasa at binibigkas sa ting isipan
Minsan sa pagbasa tayo ay naliligaw kung ang pananda ay hindi tama
Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit magkakaiba ng diwa
Kung mali ang pananda ikay mawawala narito ang ilang halimbawa

Basa-basa
Upo-upo
Pasa-pasa
Tayo-tayo

Balat-balat
Bunot-bunot
Bukas-bukas
Buko-buko

Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan upang tayoy di magkalituhan
Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda tayo ay magkakaintindihan
Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan upang tayoy di magkalituhan
Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda tayo ay magkakaintindihan

Ligaw-ligaw
Pusod-pusod
Buhay-buhay
Aso-aso

Saya-saya
Tubo-tubo
Pito-pito
Bangko-bangko

Most popular songs of Florante

Other artists of Folk rock