Kasarinlan
Hindi habang panahong aasa sa iba
Ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana
Paglaya ng ganap ay mararamdaman
Igala ang paningin sa mga kapaligiran
Maraming bagay ang maa-aring pagkakitaan
Kasarinlan ang malagay sa matatag na kabuhayan
Paglaya ng ganap dapat maramdaman
Tiyagaing abutin ang kaunlaran
Bangon na at tumulong sa bayan
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
Ang susi sa daang patungo sa kasarinlan
Magsanay gumawa at mag-isip mag-isa
Huwag umasang mayroong mga maa-awa
Kasarinlan ang tumindig ng walang kinakapitan
Paglaya ng ganap dapat maramdaman
Tiyagaing abutin ang kaunlaran
Bangon na at tumulong sa bayan
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
Ang susi sa daang patungo sa kasarinlan
Hindi habang panahong aasa sa iba
Ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana
Paglaya ng ganap ay mararamdaman
Kasarinlan ang magtiwala sa sarili ng lubusan
Isang kasarinlan isang kalayaan