Nilamon Ng Sistema

Francis M.

[Intro]
Ang awit na ito'y inaalay ko sa mga biktima ng ating lipunan
Mga nilamon ng sistema, ating pakinggan

[Verse 1]
Merong akong kakilala ang pangalan ay Pamela
Naghahanap ng trabaho, lumuwas siya ng Maynila
Ako'y nag-alala sapagkat hindi niya nalalaman
Na ang buhay sa Maynila ay 'di basta-basta lang
Mga buwitre ang nagliliparan
Lumilipad sa may siyudad, nag-aantay na lamang
Bubot at inosente, batang-bata wala pang bente
Katorse anyos lang at marami ng kliyente
Niloko siya ng recruiter, hinamak at winasak
Ang kaniyang kinabukasan ay tuluyan nang nawarak

[Chorus]
Nilamon, yeah, nilamon, woah
Ng sistema, yeah, ng sistema, woah

[Interlude]
Ito naman ang istorya ng 'sang batang galing sa broken home
Batang-bata pa, kawawa naman, it goes like this

[Verse 2]
Ito naman ang istorya ng 'sang batang gumagala
Sampung taong gulang palang nagkahina-hinala
Ang kilos ng musmos dahil lasing na naman si itay
At siya'y pinagbuhatan ng kamay
Si inay nagsusugal doon sa madyungan
Napakasakit kapag walang humahagkan
Lumayas sa kanila at nag-alsabalutan
Tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan
D'yan sa kanto, sumasama kahit kanino
Isipin ninyo kung sino ang may sala dito

[Chorus]
Nilamon, yeah, nilamon, woah
Ng sistema, yeah, ng sistema, woah

[Interlude]
Ito naman ay tungkol sa mga kababaihan natin nagpapakahirap
Kung tawagin natin ay "Japayuki", para sa kanila 'to

[Verse 3]
Ang ating kababaihan ay nagsisiliparan
Patungo sa ibang bansa, saan? Sa Japan
Matulungan lamang mai-ahon sa kahirapan
Ang pamilyang umaasa sa kanila lamang
Ilan sa kanila ang umuwing luhaan, inabuso
Minaltrato at saka sinaktan
Tigilan na ang ganitong paraan
Ng pamumuhay ng ating kababaihan
Masisi ba sila o dapat kaawan?
Kasalanan ba nila o kasalanan ng bayan?

[Chorus]
Nilamon, yeah, nilamon, woah
Ng sistema, yeah, ng sistema, woah
Ng sistema, ng sistema, yeah
Ng sistema, ng sistema, woah
Nilamon

Most popular songs of Francis M

Other artists of Old school hip hop