Hindi Na Ba Pwede [Acoustic]

Hindi na ba pwede
'La na bang pag-asa
Pag-ibig sa iyo'y
'La na bang ibubuga
Kasiyaha'y pansamantala lamang pala

Saan ako nagkulang
O di kaya'y sumobra
Kung ano man iyo'y
Sabihin mo na sana
Mga luha'y di na malabanan pa
Para bang hindi na mawawala

Hindi na kaya pang magmahal ng gan'to
Hindi magmamahal kung hindi rin sa iyo
Hindi na kaya pa hmm

Kahit anong mangyari
Huwag kang mag-alinlangan
Sasabihin sa iyo
Ang aking nararamdaman
Ikaw lamang ang aking inaasam-asam hmm

Tingin mo ba sa aki'y
Hanggang kaibigan lamang
Kung ganoon man iyo'y
Sabihin mo na lamang
Kalungkuta'y aking pinangangamba
Para bang wala nang magagawa

Hindi na kaya pang magmahal ng ganito
Hindi magmamahal kung hindi rin sa iyo
Hindi na kaya pa oh
Sana'y malaman mo
Ang pag-ibig kong ito'y totoo

Hindi na kaya pang magmahal ng gan'to
Hindi magmamahal kung hindi rin sa iyo
Hindi na kaya pa
Oh sana'y malaman mo
Ang pag-ibig kong ito'y

Hindi na kaya pa oh
Hindi magmamahal kung hindi rin sa iyo
Hindi na kaya pa
Oh sana'y malaman mo

Ang pag-ibig kong ito'y totoo
Hindi na ba pwede wala na bang pag-asa oh hmm

Most popular songs of Freestyle

Other artists of Hip Hop/Rap