Nakilala [Silver Series]

Kay tagal ko nang hinahanap
Ang tunay na galak
Sa buhay na ang lahat ay di sapat
Di makapagpasalamat
Ang lahat ng dapat kong gawin
Parang ang hirap sundin
Pilit kong ituon ang pansin
Sa mga bagay na kay ganda sa paningin oh
Ngunit nang mapasa-akin tila walang ibig sabihin

Nang ika'y aking nakilala
Nawala ang lahat ng mga problema
Kay gaan ng aking nadarama
Pagka't kasama kita

Hangad ko lang naman na malaman ang sagot
Sa problemang pinasok
Ngunit ako'y takot
Na harapin ang pagsubok
Oh di ko malaman di ko maintindihan
Kung ano bang pinagmulan
Nais ko lang makamtan
Ang ganap na kasiyahan magmula

Nang ika'y aking nakilala
Nawala ang lahat ng mga problema
Kay gaan ng aking nadarama
Pagka't kasama kita
O kay sarap ng mabuhay
Dahil sayo'y nagkaroon ng kulay
Dulot mong pag-Ibig na tunay
At walang hangganang buhay

Sa iyo ko lang nakita tanging ikaw wala nang iba
Sa iyo ako'y may buhay punong-puno ng kulay

Nang ika'y aking nakilala
Nawala ang lahat ng mga problema
Kay gaan ng aking nadarama
Pagka't kasama kita
Nang ika'y aking nakilala (nakilala)
Nawala ang lahat ng mga problema (nawala ang lahat ng mga problema)
Kay gaan ng aking nadarama
Pagka't kasama kita
Nang ika'y aking nakilala
Nawala ang lahat ng mga problema
Kay gaan ng aking

Most popular songs of Freestyle

Other artists of Hip Hop/Rap