Balon
Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ng buhay na pinahihirap natin
Bakit nagkaganito bakit nagkakaganun
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon
Huwag kang tumingala sa alapaap
Ang ulap ay hindi panginoon
Huwag mong sisirin ang lalim ng dagat
Ang tubig na maalat ay di tagaroon
Daluy lang ng daluy lang ng daloy habangpanahon
Sa balon sa balon sa balon ay naroon
Naroon naroon naroon lang ang tugon
Ang tugon ang tugon ang tugon sa iyong tanong
Ay naroon naroon sa balon
May bago nga ba sa mundong ibabaw
Kung ang nandoon ay dati nang nandoon
Sisikat din at lulubog ang araw
At di mo maipangaw ang duyan ng taon
Inog lang ng inog lang ng inog habangpanahon
Ang ating karununga'y nakatali
Sa hangin at buhanging ilusyon
At ang dinami-daming mga lahi
Sistema at ugali kultura't tradisyon
Salin lang ng salin lang ng salin habangpanahon
Sa balon sa balon sa balon ay naroon
Naroon naroon naroon lang ang tugon
Ang tugon ang tugon ang tugon sa iyong tanong
Ay naroon naroon sa balon
Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ang tao ay mahirap unawain
Sinasagot nila ang di mo tinatanong
Ikut lang ng ikut lang ng ikot habangpanahon
Sino ba ang dapat na sisihin
Sino ba ang nasa posisyon
Patulan mo ang ibig kong sabihin
Kung may ibig sabihin ito'y isang pasyon
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon