Butil Ng Pag-Ibig

Tatlong magkaibigan ang sa gubat napasyal
Magsasaka mangangaral at mangangalakal
Doo'y may ermitanyong nasalubong nila
May tatlong kumikislap na butil na dala

Butil ng pag-ibig wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang mamang negosyante inuwi sa kanila
Ang butil ng pag-ibig binigyan ng halaga

Sa hapag ng mamahalin at babasaging kristal
Nilapag at itinuring na panauhing pandangal
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa silid
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig

Butil ng pag-ibig wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang magiting na guro kanyang isinapuso
Ang butil ng pag-ibig itinuring na ginto

Nilukuban ng talino ng maingat na pantas
Sa sisidlang kumikinang na pilak na kwintas
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa dibdib
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig

Butil ng pag-ibig wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang masinop na magbubukid isinalin sa paso
Ang butil ng pag-ibig inalay sa mundo

At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga ang butil ng pag-ibig

Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga namunga ng kalinga
Tiwala at pag-asa ang butil ng pag-ibig

Trivia about the song Butil Ng Pag-Ibig by Gary Granada

When was the song “Butil Ng Pag-Ibig” released by Gary Granada?
The song Butil Ng Pag-Ibig was released in 2014, on the album “Mapa 2: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin, Vol. 2”.

Most popular songs of Gary Granada

Other artists of