Eroplanong Papel

Nakasulat doon ang pangarap ko
Ang mithiin ng batang musmos
At marahil ako ay katulad mo
Na saksi sa paghihikahos

Sana'y mayron nang tahanan
Ang gumagawa ng bahay
At masaganang hapunan
Ang naghahasik ng palay

Ang bundok ay handang akyatin
Dagat ma'y kaya ring tawirin
Ang pangarap ko'y mararating
Isang araw ay liliparin
Ang matataas na pader
Ng aking eroplanong papel

Ang aking eroplano'y kasing kulay
Ng iba't ibang uring mukha
Ng mga suot awit at sayaw
At watawat ng bawat bansa

At ito ay hindi panaginip lang
Kung tayo'y magkaisang tinig
Kung ikaw at ako ay magtutulungang
Pandayin ang bagong daigdig

Ang bundok ay handang akyatin
Dagat ma'y kaya ring tawirin
Ang pangarap ko'y mararating
Isang araw ay liliparin
Ang matataas na pader
Ng aking eroplanong papel

Isang araw ay liliparin
Isang araw ay bubuwagin
Ang matataas na pader
Ng aking eroplanong papel

Trivia about the song Eroplanong Papel by Gary Granada

On which albums was the song “Eroplanong Papel” released by Gary Granada?
Gary Granada released the song on the albums “Gary Granada Live” in 1994, “Mapa 1: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin (Vol.1)” in 2013, and “The Essential Gary Granada Collection” in 2014.

Most popular songs of Gary Granada

Other artists of