Ngayong Gabi

Tayo'y nabubuhay sa daigdig na masagana
Kayraming mga bagay na bago't magaganda
Ngunit sa gitna ng ating kasaganahan
Kayraming mga taong lugmok sa kawalan

Sa isang tabi ng lansangan sa munting kartong banig
Ay ilalapag ang batang matutulog sa lamig
Ngayong gabi sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman gutom at kawalan ng pag-ibig

Ngayon higit kailanma'y ating nararanasan
Biyaya at pinsala ng kaunlaran
Ngunit sa gitna ng ating mga abala
Sana sa tuwina ating maalala

At sana bago tayo mahimbing
Sa ating mga dasal at panalangin
Dinggin ang hinaing ng mga munting paslit
At itigil ang digmaan at pagmamalupit

Ngayong gabi sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman gutom at kawalan ng pag-ibig
Ipagsabi sa bawat pusong handa na makinig
Hangga't ang katarungan ay di mananaig

Bawat sandali sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman gutom at kawalan ng pag-ibig
Ngayong gabi sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman gutom at kawalan ng pag-ibig

Trivia about the song Ngayong Gabi by Gary Granada

On which albums was the song “Ngayong Gabi” released by Gary Granada?
Gary Granada released the song on the albums “Mapa 2: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin, Vol. 2” in 2014 and “The Essential Gary Granada Collection” in 2014.

Most popular songs of Gary Granada

Other artists of