Noel

Miyerkules na naman ng gabi
Lupaypay na ang mga tao
Tigil-putukan muna kami
Sa Sanctuario 70's Bistro

Mga nagsisikipang dibdib
Sa hapis hapdi at hapo
Sa isang nagsisiksikang silid
Sa kanlungan mo nakaupo

O Noel Noel Noel hinihele mo ang diwa ko
O Noel Noel Noel sa tipa at hawak mo
O Noel Noel Noel hinahagod mo ang pagod ko
O Noel Noel Noel sa kuko't daliri mo

Ang puso ko ay sinisinok
'Di dahil sa yosi at usok
'Di pa man napapalagok
Sa boses mo'y napapalunok

O Noel Noel Noel o damayan mo ang init ko
O Noel Noel Noel sa liyab ng labi mo
O Noel Noel Noel at iduyan mo ang dusa ko
O Noel Noel Noel sa yapos at yakap mo

Pinupuntahan na kita
No'ng sa Mayric's ka pa at Pook Luntian
Paano naman ang iba na 'di ka kilala
Kawawa naman

O Noel Noel Noel sa mga tula at titik mo
O Noel Noel Noel ay lantad ang lihim ko
O Noel Noel Noel sa ngiti sulyap at titig mo
O Noel Noel Noel hubo't hubad ang buhay ko

O Noel Noel Noel kung sakali mang kailangan mo
O Noel Noel Noel ay nandito lang ako

Trivia about the song Noel by Gary Granada

When was the song “Noel” released by Gary Granada?
The song Noel was released in 1994, on the album “Sa Pagitan Ng Ngayon at Kailanman”.

Most popular songs of Gary Granada

Other artists of